PAULI AKO SA IRIGA

Mig-uli ako ka Biyernes sa Iriga.

Kamaturan, kadakul ka gusto kong gibuun ko pag-abut ko sadtu. Gusto kong mabayad ulit si mama ta uban ko na iyang dir nababayad. Gusto kong magpaingalo, mag-inga-inga sa preskong angin, marigos sa uran o kaya sa burabud.

Mig-uli ako para mabayad su Sarikaw, isihun a istorya kan ang Inorogan, istorya kan ang Asog, dakol pa.

Mig-uli ako para takasan ading megalungsod na gurugatingay na kinakaun ading ruruggan ko, pinuputol usad-usad ading awak ko. Kadakol niyang gusto kanako. Pero diri ko nagugustuhan ading megalungsod na adi. Abo akong pauliun kan ang kursong pinag-aadalan ko.

Kadakol palan ka rason ka pag-uli. Arug kading ngabilun ko nguwan na gustong maisurat tulos. Arug kan ang dila kong ginagatlan na sa pagngabil sa Iriganon. Arug man ka puso kong gusto nang mabayad an ang kinadakuluan ko.

PAGBATI PARA KAY JOSEPH dL. SAGUID AT ALLAN PASTRANA

Pagbati para kina Joseph dL. Saguid (Filipino) at Allan Pastrana (English) sa pagkakapanalo nila sa ikalawang Maningning Miclat Poetry Awards.

Congrat's mga kasurog!

UP ICW ISSUES NEW GUIDELINES FOR WRITERS' WORKSHOP

LIKHAAN: The UP Institute of Creative Writing (UP ICW) recently announced that it is now accepting applications for the 45th UP National Writers Workshop to be held in Baguio for one week in the summer of 2006.
.
UP ICW Director, Professor Vim Nadera, also announced that 12 fellowships are available and that these are open only to advanced writers. He explained that since there is now a proliferation of creative writing workshops on both the national and local levels, beginning writers now have many other options. Said Nadera: “In keeping with its mandate of taking the lead in the development of Philippine literature, the UP ICW has decided to re-conceptualize its annual workshop to address the changing needs of writers as well as constraints brought on by the current financial crisis.”Nadera also announced the new Workshop Guidelines
.
QUALIFICATIONS. To qualify, applicants: (1) must be writers in English or Filipino; (2) must have attended at least one creative writing workshop (national/regional, including the UP National Writers’ Workshops), or earned a degree in Creative Writing/Malikhaing Pagsulat, or won at least 1 national/international literary award; (3) must have published at least 3 poems or 2 short stories or 2 pieces of creative nonfiction (e.g., essays, memoirs, profiles) in reputable collections or anthologies, journals, magazines (including campus publications), or refereed Internet web magazines. Writers who have been Fellows at any of the UP National Writers’ Workshops are eligible. Some of these qualifications may be waived in exceptionally meritorious cases, with the unanimous concurrence of the UP ICW Associates, Advisers and Resident Fellows.
.
REQUIREMENTS. Applicants must submit the following: (1) four copies plus digital file (12 points, double-spaced, 8.5 x 11 inches) of one original unpublished manuscript (short story, poem, or creative nonfiction) to be discussed during the Workshop – this manuscript should not have been submitted to any other Workshop; (2) a 2-paragraph description of a work-in-progress in any of the above genres, in English or Filipino (also 12 points, double-spaced, 8.5 x 11 inches); and (3) photocopies of the applicant’s published work, including publication details; and (4) application form (available at the UP ICW office in UP Diliman and on the ICW website: http://www.up.edu.ph/~icw/icw_form.pdf).
.
During the UP workshop, Fellows will be expected to make a presentation of a chapter or draft of the work-in-progress referred to above, and a short essay on an aspect of their writing or of the genre in which they work.
.
Deadline for submission is December 15, 2005. For inquiries, call 922-1830 and ask for Mr. Tony Serrano.
.
--
Nakua ko po an PR sa blog ni Vic Nierva.

ORAGON NA BIKOLNON

Pagbati para kay Abdon Balde Jr. (Hunyango sa Bato) at kay Azucena Grajo Uranza (Women of Tammuz) sa pagkakakamit ng nobela nila ng National Book Awards at JUAN C. LAYA PRIZE for Best Novel of the Year.

Si Balde na tubong Albay ay nagkamit na dati ng National Book Award noong 2003 para sa koleksyon niya ng maikling kuwento, ang "Mayon" kung saan kasama dito ang Sipay na nanalo ng ikatlong gantimpala sa Palanca Awards.

Si Grajo-Uranza, mulang Sorsogon, ay pinarangalan kamakailan ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ng Gawad Pambansang Algad ni Balagtas.

(To read the details: http://oragonrepublic.com/news+article.storyid+335.htm)

SENTIMENTAL, ULIT

Hindi ako pumasok ngayong araw.
.
Wala akong sakit. Hindi rin masama ang pakiramdam ko. Wala lang talaga. Walang dahilan.
.
Gumising ako ng 10:30 AM. Kapag may pasok ako sa ospital, gumigising ako ng 5:30, at gigising muli ng 7:00-- magmamadaling mag-ayos ng sarili para habulin ang 7:30 na pasok ko. Sasakay ako ng dyip sa Laon-Laan papuntang Mayon. Sasakay ng tricycle hanggang Banawe. Hindi naman ako ganito dati. Lagi nga ako ang pinakamaagang pumapasok sa ospital. Pero kanina, at katulad ng mga nakaraang dalawang buwan, dumadating akong naguhitan na ang attendance book. Ang masama pa, kahit alam kong male-late ako, nagmamadali pa rin akong pumunta sa ospital at hindi na ako kumakain ng agahan. Kung may oras sa ospital, saka lang ako kakain. Pero kalimitan, kumakain lang ako ng pananghalian. Pumapayat ako sabi nila. Hindi na gaanong namumurok ang pisngi ko. Maluwang na din ang scrub suit ko. Ganun talaga pag may cancer, biro ko.
.
Huling buwan ko na ng internship sa ospital na pinapasukan ko. Sa Oktubre, lilipat na ako ng ospital. Mas malayo. At kailangan kong gumising nang mas maaga.
.
---
.
Ilang linggo na lang ang hinihintay ko, sa kung anuman na hinihintay ko-- akin na lang muna yun sa ngayon. Ngunit parang mas nababagabag ako ngayong mga panahon, naguguluhan. Lalo lang kasing hindi naging malinaw ang gusto kong gawin sa buhay pagkatapos ng kurso kong Medical Technology. Marami akong gustong gawin, pero hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Marami akong plano sa sarili ko pero natatakot ako na hindi matupad ang alin man sa mga ito dahil na nga sa maraming dahilan at kasama na dun ang pinansyal kong pangangailangan. Binabalak ko sanang kumuha na ng Board Exam at kung makapasa man ay maghahanap ako agad ng mapapasukang trabaho. Mahirap ang sitwasyon ng mga medical workers sa 'Pinas kaya nga karamihan ay nangingibang-bansa para mapunan ang kanilang mga pangangailangan. Nakakalungkot lang na isa ako sa "biktima" ng sitwasyon na ito. Nag-aral ako ng Medical Technology hindi para mapunan ang pagnanasa ko sa mga matututunan ko kung hindi dahil sa gusto ng nanay ko na makapag-abroad at makapag-ipon ng sariling pera (para sa pamilya). Gusto ko noong maging doktor pero inisip kong hindi sasapat ang pera ng pamilya para ipangtustos sa halos anim pang taon sa Medicine. Gusto ko ding hindi na ang pag-aaral ko ang iniisip ng nanay ko at mga kapatid kong gusto ko na ding makapag-pamilya na-- na sa tingin ko ay sapat na ang panahong ito para sarili naman nila ang isipin nila, hindi na ako. Hindi na rin ako umaasa sa tatay ko na may ibang pinagkakaabalahan (na pamilya).
.
Maraming mga tanong ang dapat nang masagot, ngunit hindi pa mapunan ng sagot dahil hindi pa siguro hinog ang pagkakataon.
.
Kailangan ko pang maghintay. Maghintay.
.
---
.
Isa pang nakakadagdag sa mga alalahanin ko ang tinitirhan kong apartment. Simula nang umuwi ang kapatid kong babae sa probinsya, hindi ko na magawang malinis ang apartment. Magulo lagi sa loob. Ang nakakainis pa, hindi ang gamit ko ang magulo kundi ang mga gamit ng pinsan ko. Ayokong dumating ang araw na may makikita (ulit) akong bubuwit sa bahay. Ayokong dumugin kami ng mga ipis, langaw at lamok. Hindi ko mapagsabihan ang pinsan ko. Kailangan niyang maintindihan para sa sarili niya kung ano ang malinis sa marumi. Sinubukan ko na dating maglinis at ayusin ang mga gamit niya pero manhid lang talaga siya. Pareho kaming layás sa bahay kaya walang makalilinis na ng tinutuluyan namin. Sana naman magawa niyang maglinis at mag-ayos. Bahay na ang turing ko sa apartment na tinirhan ko ng apat na taon. Hindi ako makapg-isip sa maruming paligid. Mas nakakainis lang.
.
---
.
Uminom ako kagabi kasama ang mga itinuturing ko ngayong bagong kaibigan. Nasisiyahan akong makisalamuha sa kanila, pagmasdan silang naghaharutan, nagtatawanan... Isa pa, may nakakausap na din ako sa wakas tungkol sa mga interes ko. Noon, wala akong makausap tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko, mga kabarkada ko lang, kasama sa ospital, at kapatid kong babae na pinipilit ko pang gustuhin din niya ang gusto ko (may makausap lang ako). Parang alienated ako. Kinikimkim ko na lang sa sarili. Pero masarap din naman ako sa piling nila dahil parang walang problema ang mundo. Puro tawanan lang, tsismisan, at tungkol sa ospital at staff ng ospital ang pinag-uusapan namin. Sa mga nakakasama ko ngayon, parang may napunan sa pangangailangan ko. Marami akong dapat ipagpasalamat.
.
---
.
Masarap tumakas sa mundong kinagisnan mo. Marahil, ito nga ang dahilan kung ba't hindi ako pumasok sa ospital. Marahil lang.

LUMABAS NA ANG BAGONG ISYU NG MAKATA!


Cover Design
Haiga by Robert Wilson

Poetry
by Angelo Ancheta, Aurora Antonovic, Luis Cuauhtemoc Berriozabal, Nicole H. Castillo, Eduardo A. Cong, Eugenio R. Corpus III, Eoin Dunford, Raul Funilas I, C W Hawes, Rosendo M. Makabali, Jen Macapagal, Papa Osmubal, Lanie Shanzyra P. Rebancos, Danny Sillada, Deji A. Urbano, M Nini Valledo, Tyler Joseph Wiseman and Silvana Zapanta.

Vers Libre
Folk Literary Tradition And Native Ideology by Jose Jason L. Chancoco

Send all submissions / contributions for Volume 6 June 2005 issue to sonny @ eac [dot] edu [dot] ph and to Jason Chancoco at tarusan22 @ yahoo [dot] com (for Tagalog/Filipino & Bikol poetry). Also accepting poems written in other Philippine languages: Cebuano, Iluko, Hiligaynon, Waray, Kapampangan, Pangasinan, etc.

Heto na: www.dalityapi.com/makata

BAMPIRA AKO!

Pagpasok ko ng Blood Transfusion Service (BTS), may nakaupong mama sa malapit sa pinto. Siya yung sunod na i-bi-BP. Tinignan ko nang mabuti yung mukha niya. Umiiwas naman siya sa tingin ko, panay baon ng mukha sa braso niya, sa likod ang tingin.
.
"Mamamatay ho kayo," sabi ko
.
"Ah ganun ba?"
.
"Nakukuhanan ko pa lang kayo ng dugo nung isang linggo."
.
Napatungo yung mama, saka lumabas. Mabagal na binuksan yung pinto. Tapos mabilis na yung hakbang papalayo sa BTS.
.
---
.
Hindi ko masisisi ang mga paid donors kung ganun sila. Sa laki ng ibinabayad sa pagdodonate ng dugo, hindi na siguro sila mag-aatubili pa. May pera sa dugo. Mamumukhaan mo ang karamihan sa kanila. Isipin mo yung mamang nadadaanan mo lagi papuntang eskwelahan na nakasalansan yung katawan sa kalsada. Isipin mo yung mamang nagtitinda ng buko, bananakyu, o mangga malapit sa inyo. Isipin mo yung aleng nagtitinda ng kakanin sa labas ng ospital. Isipin mo yung mga tambay sa may daang bakal. Isipin mo na rin pati yung mga nakakasalubong mo araw-araw. Mapapansin mo din yung peklat sa mga braso nila. Mapapansin mo din na sila ang
...yung nanay na ang kumausap. Sabi niya:Anong mas masakit:PALO o TUSOK?
pinakamasalita sa lahat ng ini-interview. Sila din yung pinakamaraming dahilan sa interview. Sila din yung puro HINDI ang sagot sa mga tanong sa interview. Marami din ang mga donors na hindi mukhang paid donor pero paid donor sila.
.
Kung bibilangin, inaabot kami halos ng 20 paid donors araw-araw. At sila din ang mga donors na iniiwasan naming ma-bleed. Sa protocol ng Blood Bank at ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP), pinoprotektahan pareho ang donor pati ang recepient ng dugo. Oo, pinoprotektahan din ang donor kaya dumadaan sa masinsinang screening procedure ang donor katulad ng pagtimbang, interview, pagkuha ng Blood Pressure, at kung sa babae naman, tinatanong ang huli nilang menstruation. Kalahating litro ang mababawas sa anim na litro ng dugo ng tao. Malaking kawalan na din ito para sa buong unit ng dugo, na binubuo ng mga formed elements (cells) at ng plasma, na mapapalitan lamang pagkatapos ng mahigit walong linggo o dalawang buwan. Kung matatandaan, maraming function ang dugo ng tao: defense (WBC), oxygen transport (WBC), transport ng mga nutrients at sa pag-ampat ng pagdurugo (clotting factors at platelets). Kung halos linggo-linggo (ang iba, kasa isang araw) magpapakuha ng dugo, maaaring ikamatay ito ng isang tao. Isa pa, iniiwasan din ang mga undesirable na dugo na maaaring makalusot sa screening procedure. Dumadaan sa HIV, Hepa B & C, RPR (para sa syphilis), Malaria, ABO typing at Rh typing ang mga nakuhang dugo bago ito i-crossmatch para maisalin sa pasiyente. Ang nakakatakot nito, maaaring mayroong mga bagong sakit na maaaring maisalin na din sa pamamagitan ng dugo. Kawawa ang pasiyente.
.
Dapat sigurong mas palakasin ang kampaya para sa Blood letting, boluntaryong pag-donate ng dugo at mas higpitan ng mga Blood Banks ang pag-screen ng mga donors.
.
---
.
24-hours duty ko. Sobrang pagod na pagod na 'ko. Halos hindi tumigil sa beep yung intercom, galing Emergency Room lagi ang tawag. Kung hindi man, kakatukin ka sa pinto ng kamag-anak ng pasyenteng may dalang sample para sa Bacte o kaya naman sa Clinical Microscopy. Heto pa: minsan pupuntahan ka ng isa sa mga nursing aid para ipabukas sa'yo ang morge. Oo, morge. At sa dis-oras ng gabi yun para ipasok yung cadaver o putol na paa/kamay. Halos kinikilabutan kami sa pagpunta dun. Sa pinakaliblib na parte na yun ng ospital. Dadaanan mo yung malaking mangga tapos yung nursing dormitory na malawak at may tatlo o apat na palapag na halos walang gamit sa ground floor maliban sa isang mesa, upuan, telepono at isang nurse na kung paranoid ka ay di ka na magdadalawang-isip na tumakbo. Magdadalawang buwan ko na ring
OO, nakakapagod mag-extract ng dugo.
tinatakbo yung hallway papuntang Recovery Room na magsasampung metro lang pero parang inaabot ako ng limang minuto para bagtasin yun. Tawag ko nga dun ay "The never ending Hallway", piniratang bersyon ng Never Ending Bridge ng UPLB. Nakakapraning ang tikitak ng tubig mula sa aircon, kala ko kung may nakasunod na sakin kaya dinadaan ko na lang sa kanta. Pero waepek! Sa umaga naman, kailangang mag-morning pick. Gigising ka dapat ng mga alas-kuwatro ng umaga para simulan ang nakakapagod na pag-eextract ng dugo. OO, nakakapagod mag-extract ng dugo. Akala lang siguro ng mga bantay na walang ginawa kundi batikusin kaming mga Med Tech na kesyo ang bagal daw naming sumalansan ng ugat, na kesyo naka-limang tusok na eh wala pa ring makuhang dugo, blah blah blah. Mahirap kaya! Sa antecubital fossa kalimitang kumukuha ng dugo sa kadahilanang ito ang hindi pinakamasakit (dahil sa mas konting pain sensors) at hindi ito nagagalaw-galaw. Heto, sige nga, isipin niyo 'tong mga kasong ibibigay ko. Tignan ko kung anong gagawin niyo:
.
1. May intravenous fluid (IVF) line ang tigkabilang kamay, may pilay ang isang paa;
2. Baldado ang lahat ng kamay, sa paa ang IVF;
3. May cast ang isang kamay, may IVF ang kabila at putol pa ang dalawang paa;
4. Nagco-collapse ang mga ugat;
5. Maninipis ang mga ugat, pati mga arteries;
6. Baliw na pasiyente, nanununtok, nangdudura;
7. Matabang pasiyente na halos hindi na umabot ang karayom sa sobrang lalim ng ugat;
8. Mabahong pasiyente, tumae siya, nagpapalit ng diaper habang kinukunan mo at ang masaklap, may dumikit na lusaw na ebak sa gauze ng putol niyang paa;
9. at eto pa, san ka makakakita ng pasiyenteng mas marunong pa sa Med Tech, yung mareklamo, madada, panay dada, at dada nang dada.
.
Oha oha! Mahirap na propesyon ang pagiging Med Tech. Hindi basta-basta. Kinakailangan ng disiplina at matagalang pagsasanay. Skills ang lamang namin sa halos lahat ng healthworkers.
Dati nga, nag-extract ako ng dugo sa Childrens' ward (CW). Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa CW, umiyak na yung ibang bata. Sabi ng nung isa:
.
"Mommy, mommy! Andiyan na yung nangunguha ng dugo!" Tapos hihiyaw.
.
May osteosarcoma ang bata, cancer yun ng buto. Nangangati siya, may mga pantal, namumula. Nakita pa lang ako, ayun umiyak na. Naubos ang pasensya ko sa pagpilit sa kanya para makuhanan lang siya ng dugo. Nasabi ko nang:
.
1. Kukuhanan kita ng dugo para gumaling ka na (malambing)
2. Kukuhanan kita ng dugo. Bibigyan kita ng candy (malambing ulit)
3. Pag hindi ka nagpakuha sa'kin doktor na ang kukuha sa'yo, mas masakit yun (malambing yung boses ko pero nanggigigil na)
4. Kukuhanan kita ng dugo para makaalis ka na dito (medyo nagagalit na ko, tapos iiyak lalo ang bata, mas lalakas ang hiyaw. Pati mga taga fourth floor magigising sa sobrang lakas.)
5. Hindi ka magpapakuha? P******* Akin na yung karayom! Pag hindi ka nagpakuha tutusukin kita ng karayom! P*******!
.
Heto pa. Nung hindi pa rin nagpakuha yung bata, yung nanay na ang kumausap:
.
Sabi niya: "Anong mas masakit? PALO o TUSOK?"
.
---
.
Malapit na second in ko... Puro bata ang mga pasiyente dun... Gudlak! ;P