Posts

Showing posts from August, 2005

PUNTA TAYO/KAYO

Masaya ako nitong mga araw. Nakakagulat nga lang ang mga nangyayari. Hindi ko inaasahan. Pero Setyembre na at panahon na ng maraming mga literary awards. Nandiyan na ang Palanca, Maningning, at sa Bikol, ang Premio Tomas. Congrats sa mga nanalo! Check niyo sa blog ni Ian Casocot . --- Ano pa man, hindi sapat na batayan ang pagkakaroon ng karangalan para masabing magaling ka nga. Ang punto-de-bista, kailangan maging mas masipag ang isang manunulat. Kailangang pag-aralan niya ang marami pang mga bagay sa mundo at sa mundo ng panulat. Pero magandang incentive ito para sa isang manunulat. --- Ayun, Tryptych Concert/Awarding ng Maningning Miclat Poetry Prize sa ika-25 ng Setyembre, 6 n.g sa CCP. Punta tayo/kayo.

LUMIPAT NA NGA AKO

Oo, lumipat na akong tuluyan dito. Hindi na kasi ako nasisiyahan sa dati kong blog. Yun lang ang dahilan. Wala nang iba pa. --- Ayun, Sarikaw nga pala. Ang Sarikaw ay isang monolith na makikita sa Iriga. Hugis tao na may kasamang aso ang Sarikaw. Ang kuwento, sinumpa siya ng diwata nang bulabugin nito ang lugar ng una. Alama ko lang ang kwento. Sa totoo, hindi ko pa nakikita ang Sarikaw. Kailangan kong pumunta doon pag-uwi ko sa Iriga. --- Q: Eh puchakokokwekak naman! Eh bakit Sentimental? Eh, ang korniks-korniks mo nga? A: Eh ano ngayon? ITO ang GUSTO kong title. Angal? --- Ayun... Yun lang muna.