GANITO...
Halos dalawang linggo na akong hindi nakakapagsulat. Pinipilit kong magsulat ngunit pakiramdam ko ay unti-unting nauupos ang apoy sa'kin. Madalas kong sisihin ang pagkakalipat ko sa bago kong pinapasukang ospital dahil pakiramdam ko ay hindi ito nakatutulong sa akin. Hindi ko alam, pero sadyang ganoon lang talaga yata. Napapagod ako sa trabaho sa ospital at nakakapanghina pa lalo nang malaman kong duty ko pala sa ika-31 ng Disyembre. . --- . Paanyaya sa mga Batang Makata: Kasalukuyang binubuo ang isang antolohiya ng Bagong Tulang Tagalog na ilalathala ng UST Press sa pamamatnugot ni Dr. Cirilo Bautista sa tulong ni Allan Popa. Kaugnay nito, inaanyayahan ang mga Pilipinong makata, edad 35 pababa, na magpadala ng 5-10 tula sa wikang Filipino sa allanpopa@gmail.com ; tiyakin lamang na hindi pa nailalathala ang mga ito tulang ipapasa. Sa ika-15 ng Nobyembre 2005 ang dedlayn ng pagpapasa. . Mga Editor . At ito pa: . Calling All Young Poets of the Philippines Writing in English . The edi...