GANITO...

Halos dalawang linggo na akong hindi nakakapagsulat. Pinipilit kong magsulat ngunit pakiramdam ko ay unti-unting nauupos ang apoy sa'kin. Madalas kong sisihin ang pagkakalipat ko sa bago kong pinapasukang ospital dahil pakiramdam ko ay hindi ito nakatutulong sa akin. Hindi ko alam, pero sadyang ganoon lang talaga yata. Napapagod ako sa trabaho sa ospital at nakakapanghina pa lalo nang malaman kong duty ko pala sa ika-31 ng Disyembre.
.
---
.
Paanyaya sa mga Batang Makata:

Kasalukuyang binubuo ang isang antolohiya ng Bagong Tulang Tagalog na ilalathala ng UST Press sa pamamatnugot ni Dr. Cirilo Bautista sa tulong ni Allan Popa. Kaugnay nito, inaanyayahan ang mga Pilipinong makata, edad 35 pababa, na magpadala ng 5-10 tula sa wikang Filipino sa allanpopa@gmail.com; tiyakin lamang na hindi pa nailalathala ang mga ito tulang ipapasa. Sa ika-15 ng Nobyembre 2005 ang dedlayn ng pagpapasa.
.
Mga Editor
.
At ito pa:
.
Calling All Young Poets of the Philippines Writing in English
.
The editors of a forthcoming anthology would like to request your participation. The book will serve as a peek into and a celebration of the future of Philippine Poetry in English. Dr. Cirilo Bautista will be editing the project with the assistance of Ken T. Ishikawa.
.
If you are 35 years old and below, a Filipino, and a writer of Poetry in English please send five of your best representative work to newphilippinepoetry@gmail.com. Young poets who have not yet published any books are highly encouraged to send their works.Please send each of your poems in a single file; don't put all five in one.
.
Don't forget to include short biographical information with a scanned 1x1 photo as your profile will appear in the list of contributors. The deadline will be on November 15, 2005.
.
Honorarium will come in the form of a contributor's copy. Authors of accepted works will be receiving a reply in their mail.Feel free to send us your comments and suggestions. We are looking forward to your poems.
.
The Editors
.
At ito rin (galing kay Sir Egay):
.
Apat na bagay: 1) natutuwa ako sa tuwing makababasa ng mahuhusay na bagongakdang-pampanitikan sa Filipino; 2)nakapagbibigay-sigla na nitong mga nagdaang taon,maraming kaibigan ang nakapaglathala ng kani-kanilang unang aklat ng tula, kuwento atnobela sa Filipino; 3) nakatutuwa rin na nananatiling maraming bagong pangalan angkinikilala sa ibat ibang pambansang timpalak sa pagsulat; gayumpaman, 4) ikinalulungkot ko na nananatiling malaki ang pangangailangan para sa isang regular na publikasyon na magtataguyod sa mga akda sa Filipino.
.
Dahil dito, ibig kong ipakilala ang Tapat, isang journal na pampanitikan sa Filipino. Layon nitong maglathala ng mga bagong tula, maikling kuwento, sanaysay, at iba pang anyong pampanitikan, kasama ng ilang kritisismo, panayam, at iba pang papel na susuhay sa pagbasa sa mga bagong akda. Kung papalarin, lalabas ang Tapat nang apat na beses sa loob ng isang taon simula 2006.Sa ngayon, nangangalap ako ng mga hindi pa nalalathalang akda na maaaring mapabilang sa mga lalabas na isyu ng Tapat. Maaaring magpasa ng kahit ilang akda ang sinumang manunulat sa Filipino. Para sa tula, magpasa lamang ng hindi bababa sa apat na tula para sa bawat makata.
.
Refereed ang journal na ito, kayat kung sakaling matanggap ang inyong akda, hinihiling na ipagkaloob sa Tapat ang karapatan ng unang paglalathala rito. Magbibigay kami ng maliit na bayad para sa akda kasama ang libreng kopya ng Tapat.Para sa unang bugso, huling araw ng pagpapasa sa 31 Oktubre 2005. Ipadala lamang ang mga akda bilang attachment (.doc o .rtf file sa Microsoft Word) sa tapatjournal@gmail.com.
.
Maraming salamat.
.
(Pakipadala na rin nito sa mga kakilala na maaaring maging interesado. Salamat!)
.
---
.
Sa lunes naman, heto:
.
POEMS FROM THE METRO
A City Poetry Reading
.
featuring performances by
.
Gemino ABAD
Catherine CANDANO
Mikael CO
Ria DE BORJA
Mookie KATIGBAK
Marne KILATES
Marie LA VINA
Joseph SAGUID
Angelo SUAREZ
Joel TOLEDO
Naya VALDELLON
Alfred YUSON
.
this Monday, October 24, 8:30 p.m. at Mag:Net
Katipunan.
.
NO ENTRANCE FEE!

Comments

Anonymous said…
wawa ka naman... ok lang 'yan, pagkatapos ng mahabang tag-tuyo, darating din ang ulan. ;)
Salamat. Huhunga, sana. Siguro kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko, para makapag-isa. Ang makulet nga eh nakokondisyon akong mag-aral sa bago kong pinapasukang ospital. Muntik na rin akong bumagsak nung 1st sem.

Popular posts from this blog

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Ragang Rinaranga