SARIKAW AT IRAGO

Ang Sarikaw ay isang monolith na korteng tao na may kasamang aso. Tinatayang sampung talampakan ang laki nito. Hindi ko ito nagawang puntahan nang umuwi ako sa Iriga. Dalawang araw lang kasi akong namalagi roon at nawalan na ng panahon para puntahan ito dahil hindi naging sapat ang oras ko para kumustahin ang mga kamag-anak at ilang mga kaibigan. Isa ring dahilan ang pagbawal sa 'kin ng nanay ko na pumunta doon gawa ng mga naglipanang tulisan sa lugar na 'yun.
.
Sinasabing isang mangangaso ang Sarikaw na sinumpang maging bato ng isang wizard dahil sa hinamon niya ang kakahayan nito. Wala na akong ibang alam tungkol dito bukod sa ginawa pa naman itong tourist attraction sa Iriga.
.
Matagal na akong binibihag ng ideya ng Sarikaw, kung ano nga ba ang hitsura nito (dahil nakita ko lang ito sa litrato) at kung ano nga ba ang tunay na kuwento tungkol dito. Ang nangyari tuloy, gumagawa ako ng mito na sariling espekulasyon ko lamang-- walang basehan. Nagamit ko na din ito bilang isang hulagway sa rawitdawit na Iriganon:
.
......................Nagtinak ako sa puso mo.
......................Buray ta ika naungot!
......................Bigla na sana’y kang rungaw:
......................Naging ako si Sarikaw!
.
Sinasabing sa bundok ng Iriga (tinatawag ding Asog at Sumagang) nakatira ang mga Irago (na sinasabing maaaring pinagmulan din ng pangalang Iriga bukod pa sa mas kilala pang etymology na I-raga na ang ibig sabihin ay "where there is land"), nilalang na kalahating tao at kalahating ahas. Nagiging bato ang sinumang makakatitig sa kanila. Kung iisipin, maaaring hindi diyosa o kaya warlock ang naging dahilan ng pagiging bato ng mangngasong Sarikaw. Maaaring ito ay dahil sa isang Irago.
.
Dahil pitak lamang ng kuwento ang mayroon ako, lumalawig pa lalo ang kagustuhan ko para tingnan ang ilang mga "posibilidad". Siguro, hindi naman talaga masama ang magiging espekulasyon dito-- iyon lang ay kulang ako ng sapat na mga basehan. Sa paghahanap ko ng sagot kung maaaring pagsamahin ang dalawang magkaibang kuwentong ito, nalaman ko na maaaring "mabago" ang kuwento depende sa diskurso na gustong "ipalabas" o pag-aralan. Sabi ni Sir Frank Peñones (na t-in-ext ko habang sinusulat ito), sa kaniyang salaysay ay isang wizard ang dahilan ng pagiging bato ni Sarikaw ngunit sa salaysay naman ni Dr. Salazar ay ginawa niyang babae 'yung matanda para makapaghanap ng hulagway patungkol sa machismo na sinisimbolo ng Irago.
.
Dahil sa espekulasyon ng Sarikaw, marami ding tanong ang nalikha, bukod sa kung papaano ito naging bato. Maaari ding ikonekta ito sa pagkakaroon ng mga matataas na tao, mga higante noong sinaunang Bikol. Isa sa mga kuwento tungkol sa higante ay ang kuwento ni Kulakog.
.
Marami pa dapat akong malaman. Sa susunod na pag-uwi ko sa Iriga, kakausapin ko ang ilan sa mga taong mas nakakaalam sa istorya.

Comments

Anonymous said…
Sonny, pakibisita mo man an bago kong blog, an www.karitela.blogspot.com. esting
Anonymous said…
Uy, Sonny!

- Glaiza (from varsi)
Wah! Hi! hehe :)

Add po kita sa link ko ha?

Salamat! :)
Sir Esting: Iyo po. Dai ko pa nariribayan si destination kan link mong nakakaag digdi. Riribayan ko pa lang ngunyan pero haloy na akong nagbibisita sa blog mo. hehe :)

Popular posts from this blog

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Ragang Rinaranga