TUNGKOL SA PAG-ULI

Nandito muli ako sa lungsod. Dalawang araw lang ang inilagi ko sa Iriga-- wari'y napakabilis ng pag-usad ng panahon na nagpa-ikli sa 48 na oras kong ilalagi doon.

Marami akong bagay na nagawa:

1. Nayakap ko ang nanay ko;
2. Nakita ko muli ang mga kamag-anak ko;
3. Nakita kong muli ang lugar na kinalak'han ko.

Marami din akong napansing mga nagbago:

1. Na marami na palang mga kainan ang nagsusulputan sa sentro;
2. Na marami na palang bahay ang naitayo at itatayo sa subdibisyon na tinitirhan namin;
3. Na mas nakakalbo ang bundok ng Iriga at dumadami ang mga niyog na nakatanim dito.
4. Na sementado na ang daan papuntang Liboton;
5. Na hindi na daw gaanong binabaha ang lungsod namin (sabi ng nanay ko).

---
Saka na muna ang kuwento ng Inorogan at ng Sarikaw, na hindi ko nagawang puntahan dahil nagkalat ngayon ang mga tulisan sa Sumagang.

Comments

Popular posts from this blog

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Ragang Rinaranga