Update

Hindi pa ako nagpapatsek-ap pero ito ang mga suspetsa kong sakit na meron ako:
.
1. Pneumonia. Baka kasi bumalik. March ako tinamaan ng sakit na ito, although imperative lang yung diagnosis sa akin. Tinapos ko 'yung gamutan. Pero nung pakiramdam ko ay okay na ako, hindi ko itinuloy 'yung pag-inom ko ng gamot para maalis plema ko. Hanggang ngayon, paminsan-minsan, inuubo ako.
.
2. Inuubo ako paminsan-minsan dahil baka lumalala na hika ko. At oo, hindi pa rin ito confirmed. Lahi namin ang may hika. Matagal ko na ring nararamdaman ito, 2nd year college pa pero sobrang bihira kung maranasan ko. Mild lang siguro noon pero ngayon mukhang moderate na.
.
3. Lagi akong binabangungot. Lalo na kapag araw ako natutulog. Nananaginip ako madalas ng mga santo, ng mga lumilipad na aso, pusang tinubuan 'yung puwet ng tangkay ng rosas, ng mga buhok sa bituka, etc... Dahil nga sa walang tigil ang paglobo ng katawan ko, naririnig ko kung minsan ang paghilik ko. Magigising na lang ako bigla na parang naubusan na ng hangin ang baga ko. Suspetsa ko, may sleep apnea ako.Iyun 'yung minsang pagtigil ng paghinga habang natutulog.
.
--
Nakatanggap ako ng registry notice galing sa koreo. Kukunin ko bukas sa post office kung anuman 'yun.

Comments

Anonymous said…
sinabi na ksing huwag abusuhin ang sarili ;) o kelangan mo na talaga ng mag-aalaga, tulungan kitang maghanap. Iwas ka muna sa malaalmig na lugar at yung may salamin sa kisame. Hinay-hinay lang lagi.
talk said…
Hi. YOu are now one of the nominees for "Filipino blog of the week". Please visit site daily and vote :-)
Ronald said…
Si Sonny Sogo boy? alam ko hanggang VIP ka lang e...

Popular posts from this blog

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Gusto mo bang mag-Med?