Patulong naman po!

May luma ka bang mga manika? (Hindi 'yung barbie.)
  1. Yung di mo na kailangan.
  2. Yung manika na pinutol mo yung kamay o kaya yung paa sa sobrang inis mo sa kapatid mong lalaki.
  3. Yung sinaksak mo yung mata ng lapis.
  4. Yung pinutol mo yung ulo.
  5. Yung sobrang balot na ng alikabok.
  6. Yung kapag nakita mo eh maaalala mo yung mga kaaway mo noong bata ka pa.
  7. Yung manikang nginatngat na ng aso o kaya ng pusa.
  8. Yung manikang nabuhusan mo ng sabaw, madugyot, o kaya nilamutakan ng spaghetti ng mas nakababata mong kapatid.
  9. Yung binigay sa 'yo ng boyfriend mo tapos nag-break kayo dahil may third party. (Huwag mong isauli, ibigay mo na lang sa 'kin.)
  10. Yung ibinigay mo sa girlfriend mo tapos ibinalik sa 'yo at ayaw mo nang makita dahil nadudurog lalo ang puso mo.
  11. Yung napulot mo lang sa kung saan-saan.

May music box ka rin ba na hindi mo na kailangan?

Kung meron po kayo, 'bigay niyo na lang sa 'kin. Parang awa niyo na. Hehe Pramis, bibigyan kita ng kendi bilang kapalit.

Salamat!

Comments

HALIK NG HIGAD said…
seryoso ka? aanhin mo?
Hehe :P Ah, para sana sa installation. Meron ka? :)
Uy, Lenay. Meron ka ba?
HALIK NG HIGAD said…
sige. marami tiyak niyan sa ilalim ng kama ko... hahaha!
hindi, meron ata yung kapatid ko. sige.
Anonymous said…
Sonny meron ako kaya lang "bulong lang: fucking doll" kaya lang ginagamit ko pa bwahahahahhahaa--Kiko
Ronald said…
Ayus naman gagawin niyo ni Sam the Spam. Yung pakner kong artist may balak ipaukit sa marmol yung istorya ko...
Ned: Ayuz! Salamat!

Lenay: May exhibit kasi, bale Pedxing. Collaboration ng writer at artist. Tapos yung gagawin namain parang dark childish na tema kaya naghahanap ako ng mga manika.

Kiko: Kiko, bulong lang? Haha Parang voodoo doll.

Ronald: Nyahaha. Acheche.
Lenay: Talaga? Ayuz! Buti ka pa makauuwi na... hay... Uy, pasalubungan mo ako ng kahit tatlong manika!
Glaiza said…
Napamana ko na sa mga "pampamkins" ko si Melody (Barbie ko rati). Hehe. Natapon na siguro nila. Nakanaman. Installation art.
Glaiza: Hehe. Nyek, sayang. :( Pero owki lang. :D

Popular posts from this blog

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Gusto mo bang mag-Med?