Posts

Showing posts from September, 2005

PAULI AKO SA IRIGA

Mig-uli ako ka Biyernes sa Iriga. Kamaturan, kadakul ka gusto kong gibuun ko pag-abut ko sadtu. Gusto kong mabayad ulit si mama ta uban ko na iyang dir nababayad. Gusto kong magpaingalo, mag-inga-inga sa preskong angin, marigos sa uran o kaya sa burabud. Mig-uli ako para mabayad su Sarikaw, isihun a istorya kan ang Inorogan, istorya kan ang Asog, dakol pa. Mig-uli ako para takasan ading megalungsod na gurugatingay na kinakaun ading ruruggan ko, pinuputol usad-usad ading awak ko. Kadakol niyang gusto kanako. Pero diri ko nagugustuhan ading megalungsod na adi. Abo akong pauliun kan ang kursong pinag-aadalan ko. Kadakol palan ka rason ka pag-uli. Arug kading ngabilun ko nguwan na gustong maisurat tulos. Arug kan ang dila kong ginagatlan na sa pagngabil sa Iriganon. Arug man ka puso kong gusto nang mabayad an ang kinadakuluan ko.

PAGBATI PARA KAY JOSEPH dL. SAGUID AT ALLAN PASTRANA

Pagbati para kina Joseph dL. Saguid (Filipino) at Allan Pastrana (English) sa pagkakapanalo nila sa ikalawang Maningning Miclat Poetry Awards. Congrat's mga kasurog!

UP ICW ISSUES NEW GUIDELINES FOR WRITERS' WORKSHOP

LIKHAAN: The UP Institute of Creative Writing (UP ICW) recently announced that it is now accepting applications for the 45th UP National Writers Workshop to be held in Baguio for one week in the summer of 2006. . UP ICW Director, Professor Vim Nadera, also announced that 12 fellowships are available and that these are open only to advanced writers. He explained that since there is now a proliferation of creative writing workshops on both the national and local levels, beginning writers now have many other options. Said Nadera: “In keeping with its mandate of taking the lead in the development of Philippine literature, the UP ICW has decided to re-conceptualize its annual workshop to address the changing needs of writers as well as constraints brought on by the current financial crisis.”Nadera also announced the new Workshop Guidelines . QUALIFICATIONS. To qualify, applicants: (1) must be writers in English or Filipino; (2) must have attended at least one creative writing workshop (nati

ORAGON NA BIKOLNON

Pagbati para kay Abdon Balde Jr. (Hunyango sa Bato) at kay Azucena Grajo Uranza (Women of Tammuz) sa pagkakakamit ng nobela nila ng National Book Awards at JUAN C. LAYA PRIZE for Best Novel of the Year. Si Balde na tubong Albay ay nagkamit na dati ng National Book Award noong 2003 para sa koleksyon niya ng maikling kuwento, ang "Mayon" kung saan kasama dito ang Sipay na nanalo ng ikatlong gantimpala sa Palanca Awards. Si Grajo-Uranza, mulang Sorsogon, ay pinarangalan kamakailan ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ng Gawad Pambansang Algad ni Balagtas. (To read the details: http://oragonrepublic.com/news+article.storyid+335.htm )

SENTIMENTAL, ULIT

Hindi ako pumasok ngayong araw. . Wala akong sakit. Hindi rin masama ang pakiramdam ko. Wala lang talaga. Walang dahilan. . Gumising ako ng 10:30 AM. Kapag may pasok ako sa ospital, gumigising ako ng 5:30, at gigising muli ng 7:00-- magmamadaling mag-ayos ng sarili para habulin ang 7:30 na pasok ko. Sasakay ako ng dyip sa Laon-Laan papuntang Mayon. Sasakay ng tricycle hanggang Banawe. Hindi naman ako ganito dati. Lagi nga ako ang pinakamaagang pumapasok sa ospital. Pero kanina, at katulad ng mga nakaraang dalawang buwan, dumadating akong naguhitan na ang attendance book. Ang masama pa, kahit alam kong male-late ako, nagmamadali pa rin akong pumunta sa ospital at hindi na ako kumakain ng agahan. Kung may oras sa ospital, saka lang ako kakain. Pero kalimitan, kumakain lang ako ng pananghalian. Pumapayat ako sabi nila. Hindi na gaanong namumurok ang pisngi ko. Maluwang na din ang scrub suit ko. Ganun talaga pag may cancer , biro ko. . Huling buwan ko na ng internship sa ospital na pinapas

LUMABAS NA ANG BAGONG ISYU NG MAKATA!

Image
Cover Design Haiga by Robert Wilson Poetry by Angelo Ancheta, Aurora Antonovic, Luis Cuauhtemoc Berriozabal, Nicole H. Castillo, Eduardo A. Cong, Eugenio R. Corpus III, Eoin Dunford, Raul Funilas I, C W Hawes, Rosendo M. Makabali, Jen Macapagal, Papa Osmubal, Lanie Shanzyra P. Rebancos, Danny Sillada, Deji A. Urbano, M Nini Valledo, Tyler Joseph Wiseman and Silvana Zapanta. Vers Libre Folk Literary Tradition And Native Ideology by Jose Jason L. Chancoco Send all submissions / contributions for Volume 6 June 2005 issue to sonny @ eac [dot] edu [dot] ph and to Jason Chancoco at tarusan22 @ yahoo [dot] com (for Tagalog/Filipino & Bikol poetry). Also accepting poems written in other Philippine languages: Cebuano, Iluko, Hiligaynon, Waray, Kapampangan, Pangasinan, etc. Heto na: www.dalityapi.com/makata

BAMPIRA AKO!

Pagpasok ko ng Blood Transfusion Service (BTS), may nakaupong mama sa malapit sa pinto. Siya yung sunod na i-bi-BP. Tinignan ko nang mabuti yung mukha niya. Umiiwas naman siya sa tingin ko, panay baon ng mukha sa braso niya, sa likod ang tingin. . "Mamamatay ho kayo," sabi ko . "Ah ganun ba?" . "Nakukuhanan ko pa lang kayo ng dugo nung isang linggo." . Napatungo yung mama, saka lumabas. Mabagal na binuksan yung pinto. Tapos mabilis na yung hakbang papalayo sa BTS. . --- . Hindi ko masisisi ang mga paid donors kung ganun sila. Sa laki ng ibinabayad sa pagdodonate ng dugo, hindi na siguro sila mag-aatubili pa. May pera sa dugo. Mamumukhaan mo ang karamihan sa kanila. Isipin mo yung mamang nadadaanan mo lagi papuntang eskwelahan na nakasalansan yung katawan sa kalsada. Isipin mo yung mamang nagtitinda ng buko, bananakyu, o mangga malapit sa inyo. Isipin mo yung aleng nagtitinda ng kakanin sa labas ng ospital. Isipin mo yung mga tambay sa may daang bakal. Isip