BAMPIRA AKO!

Pagpasok ko ng Blood Transfusion Service (BTS), may nakaupong mama sa malapit sa pinto. Siya yung sunod na i-bi-BP. Tinignan ko nang mabuti yung mukha niya. Umiiwas naman siya sa tingin ko, panay baon ng mukha sa braso niya, sa likod ang tingin.
.
"Mamamatay ho kayo," sabi ko
.
"Ah ganun ba?"
.
"Nakukuhanan ko pa lang kayo ng dugo nung isang linggo."
.
Napatungo yung mama, saka lumabas. Mabagal na binuksan yung pinto. Tapos mabilis na yung hakbang papalayo sa BTS.
.
---
.
Hindi ko masisisi ang mga paid donors kung ganun sila. Sa laki ng ibinabayad sa pagdodonate ng dugo, hindi na siguro sila mag-aatubili pa. May pera sa dugo. Mamumukhaan mo ang karamihan sa kanila. Isipin mo yung mamang nadadaanan mo lagi papuntang eskwelahan na nakasalansan yung katawan sa kalsada. Isipin mo yung mamang nagtitinda ng buko, bananakyu, o mangga malapit sa inyo. Isipin mo yung aleng nagtitinda ng kakanin sa labas ng ospital. Isipin mo yung mga tambay sa may daang bakal. Isipin mo na rin pati yung mga nakakasalubong mo araw-araw. Mapapansin mo din yung peklat sa mga braso nila. Mapapansin mo din na sila ang
...yung nanay na ang kumausap. Sabi niya:Anong mas masakit:PALO o TUSOK?
pinakamasalita sa lahat ng ini-interview. Sila din yung pinakamaraming dahilan sa interview. Sila din yung puro HINDI ang sagot sa mga tanong sa interview. Marami din ang mga donors na hindi mukhang paid donor pero paid donor sila.
.
Kung bibilangin, inaabot kami halos ng 20 paid donors araw-araw. At sila din ang mga donors na iniiwasan naming ma-bleed. Sa protocol ng Blood Bank at ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP), pinoprotektahan pareho ang donor pati ang recepient ng dugo. Oo, pinoprotektahan din ang donor kaya dumadaan sa masinsinang screening procedure ang donor katulad ng pagtimbang, interview, pagkuha ng Blood Pressure, at kung sa babae naman, tinatanong ang huli nilang menstruation. Kalahating litro ang mababawas sa anim na litro ng dugo ng tao. Malaking kawalan na din ito para sa buong unit ng dugo, na binubuo ng mga formed elements (cells) at ng plasma, na mapapalitan lamang pagkatapos ng mahigit walong linggo o dalawang buwan. Kung matatandaan, maraming function ang dugo ng tao: defense (WBC), oxygen transport (WBC), transport ng mga nutrients at sa pag-ampat ng pagdurugo (clotting factors at platelets). Kung halos linggo-linggo (ang iba, kasa isang araw) magpapakuha ng dugo, maaaring ikamatay ito ng isang tao. Isa pa, iniiwasan din ang mga undesirable na dugo na maaaring makalusot sa screening procedure. Dumadaan sa HIV, Hepa B & C, RPR (para sa syphilis), Malaria, ABO typing at Rh typing ang mga nakuhang dugo bago ito i-crossmatch para maisalin sa pasiyente. Ang nakakatakot nito, maaaring mayroong mga bagong sakit na maaaring maisalin na din sa pamamagitan ng dugo. Kawawa ang pasiyente.
.
Dapat sigurong mas palakasin ang kampaya para sa Blood letting, boluntaryong pag-donate ng dugo at mas higpitan ng mga Blood Banks ang pag-screen ng mga donors.
.
---
.
24-hours duty ko. Sobrang pagod na pagod na 'ko. Halos hindi tumigil sa beep yung intercom, galing Emergency Room lagi ang tawag. Kung hindi man, kakatukin ka sa pinto ng kamag-anak ng pasyenteng may dalang sample para sa Bacte o kaya naman sa Clinical Microscopy. Heto pa: minsan pupuntahan ka ng isa sa mga nursing aid para ipabukas sa'yo ang morge. Oo, morge. At sa dis-oras ng gabi yun para ipasok yung cadaver o putol na paa/kamay. Halos kinikilabutan kami sa pagpunta dun. Sa pinakaliblib na parte na yun ng ospital. Dadaanan mo yung malaking mangga tapos yung nursing dormitory na malawak at may tatlo o apat na palapag na halos walang gamit sa ground floor maliban sa isang mesa, upuan, telepono at isang nurse na kung paranoid ka ay di ka na magdadalawang-isip na tumakbo. Magdadalawang buwan ko na ring
OO, nakakapagod mag-extract ng dugo.
tinatakbo yung hallway papuntang Recovery Room na magsasampung metro lang pero parang inaabot ako ng limang minuto para bagtasin yun. Tawag ko nga dun ay "The never ending Hallway", piniratang bersyon ng Never Ending Bridge ng UPLB. Nakakapraning ang tikitak ng tubig mula sa aircon, kala ko kung may nakasunod na sakin kaya dinadaan ko na lang sa kanta. Pero waepek! Sa umaga naman, kailangang mag-morning pick. Gigising ka dapat ng mga alas-kuwatro ng umaga para simulan ang nakakapagod na pag-eextract ng dugo. OO, nakakapagod mag-extract ng dugo. Akala lang siguro ng mga bantay na walang ginawa kundi batikusin kaming mga Med Tech na kesyo ang bagal daw naming sumalansan ng ugat, na kesyo naka-limang tusok na eh wala pa ring makuhang dugo, blah blah blah. Mahirap kaya! Sa antecubital fossa kalimitang kumukuha ng dugo sa kadahilanang ito ang hindi pinakamasakit (dahil sa mas konting pain sensors) at hindi ito nagagalaw-galaw. Heto, sige nga, isipin niyo 'tong mga kasong ibibigay ko. Tignan ko kung anong gagawin niyo:
.
1. May intravenous fluid (IVF) line ang tigkabilang kamay, may pilay ang isang paa;
2. Baldado ang lahat ng kamay, sa paa ang IVF;
3. May cast ang isang kamay, may IVF ang kabila at putol pa ang dalawang paa;
4. Nagco-collapse ang mga ugat;
5. Maninipis ang mga ugat, pati mga arteries;
6. Baliw na pasiyente, nanununtok, nangdudura;
7. Matabang pasiyente na halos hindi na umabot ang karayom sa sobrang lalim ng ugat;
8. Mabahong pasiyente, tumae siya, nagpapalit ng diaper habang kinukunan mo at ang masaklap, may dumikit na lusaw na ebak sa gauze ng putol niyang paa;
9. at eto pa, san ka makakakita ng pasiyenteng mas marunong pa sa Med Tech, yung mareklamo, madada, panay dada, at dada nang dada.
.
Oha oha! Mahirap na propesyon ang pagiging Med Tech. Hindi basta-basta. Kinakailangan ng disiplina at matagalang pagsasanay. Skills ang lamang namin sa halos lahat ng healthworkers.
Dati nga, nag-extract ako ng dugo sa Childrens' ward (CW). Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa CW, umiyak na yung ibang bata. Sabi ng nung isa:
.
"Mommy, mommy! Andiyan na yung nangunguha ng dugo!" Tapos hihiyaw.
.
May osteosarcoma ang bata, cancer yun ng buto. Nangangati siya, may mga pantal, namumula. Nakita pa lang ako, ayun umiyak na. Naubos ang pasensya ko sa pagpilit sa kanya para makuhanan lang siya ng dugo. Nasabi ko nang:
.
1. Kukuhanan kita ng dugo para gumaling ka na (malambing)
2. Kukuhanan kita ng dugo. Bibigyan kita ng candy (malambing ulit)
3. Pag hindi ka nagpakuha sa'kin doktor na ang kukuha sa'yo, mas masakit yun (malambing yung boses ko pero nanggigigil na)
4. Kukuhanan kita ng dugo para makaalis ka na dito (medyo nagagalit na ko, tapos iiyak lalo ang bata, mas lalakas ang hiyaw. Pati mga taga fourth floor magigising sa sobrang lakas.)
5. Hindi ka magpapakuha? P******* Akin na yung karayom! Pag hindi ka nagpakuha tutusukin kita ng karayom! P*******!
.
Heto pa. Nung hindi pa rin nagpakuha yung bata, yung nanay na ang kumausap:
.
Sabi niya: "Anong mas masakit? PALO o TUSOK?"
.
---
.
Malapit na second in ko... Puro bata ang mga pasiyente dun... Gudlak! ;P

Comments

Deals-Ahoy said…
Hello Everyone,

Help us please. we need blood donor type B+. para lang po masalinan ng 20 bags ofplatelet yung anak ng friend ko.

Ang name po nung bata Gerby Bobadilla, 3yrs old naka admit po sya ngayon sa PGH, Dengue po ang sakit nya.

Please help us...... Tatanawin po namin na malaking christmas gift ang donations nyo na blood.

Paki sabi nalang po na for GERBY BOBADILLA yung blood. Thank you po

Thanks po

Dih

Popular posts from this blog

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Ragang Rinaranga