Gusto mo bang mag-Med?

1. Pangarap ko talaga noon ang maging doktor. Sinabi ko noon sa nanay ko na balang araw ay mapapagawan ko siya ng bahay na kasing gara nung bahay ng doktor malapit sa'min. Kumuha ako ng B.S. Medical Technology dahil yun daw ang best pre-med course. Pero hindi lang med-realated courses ang puwedeng pang pre-med. Naalala ko yung clerk na kinukuhanan ng dugo yung pasiyente para sa Arterial Blood Gas. Naka-limang tusok na siya pero hindi pa rin niya na-hit yung ugat. Sabi niya, mas magaling daw yung mga kaklase niyang Med Tech. Pano ba naman, Food Tech yung pre-med niya. Pero okay lang yun. Dahil pwede ring maging doktor ang mga kumukuha ng:

1. B.S. General
2. Intarmed
3. B.S. Chemistry
4. A.B Humanities
5. B.S. Math
6. B.S. Chemical Engineering
7. A.B./B.S. Philosophy
8. B.A. Management
9. B.S.C. Management
10. B.S. Mechanical Engineering
11. B.S. Business Administration
12. A.B. Economics
13. A.B. English
14. B.S./A.B. Agri-Business
15. A.B. Political Science
16. A.B. Sociology
17. B.S. Foreign Service
18. B.S. Education
19. B.S. Statistics
20. A.B. Social Science
21. B.S. Geology
22. A.B. Communication Arts
23. B.S. Agriculture
24. B.S.C. Banking/Finance
25. B.S. Electronic Engineering
26. B.S. Food Technology

2. Sa Medicine, apat na taon kang mag-aaral. Tapos, kukuha ka ng licensure exam. Kung hindi ka pa handa sa tatlong buwan (simula sa graduation) na review, mas pipiliin mong exam yung sa Pebrero para mas siguradong papasa agad. Kung makakuha ka ng lisensiya, mag-a-apply ka pa sa ospital para sa residentship. Apat na taon ulit yun. Tapos, kung gusto mong magpakadalubhasa, kukuha ka ulit ng dalawa hanggang tatlong taon para makapag-specialize. Kung gusto mong maging Pathologist, dapat magkaroon ka ng sandamakmak na quota ng clinic na consultant ka. Siyempre, kailangang sumikat ka at gumawa ng magandang pangalan para maraming pasiyente.

3. Pag doktor ka daw, 50% ng iyong propesyon ay kawang-gawa.

4. Deadline daw ng pagpasa ng 1st sem grade sa December 16 pero hindi ako makakapagpasa ng grade. Kailangan ko pang i-make up yung halos isang buwan kong deficiency sa una kong pinasukang ospital. Malabo akong pumaso sa graduation pero pwede daw pakiusapan yung dean.

5. Hindi pala. Baka hindi ako maka-graduate. Walo na ang absent ko sa pinapasukan ko ngayong ospital at isa na lang, repeat internship ako. Lagot!

5. Nga pala, gagradweyt na yung batch 2005 ng LIRA sa Martes. Congrats! Kita-kits!

Comments

Unknown said…
Pede po maging doctor ung may degree na food tech? Pede po sya ipre med?

Popular posts from this blog

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Ragang Rinaranga