REALISASYON AT RESOLUSYON
Buong internship ko na yata pagsisisihan na dapat ay ibang kurso na lang ang pinili ko para magkaroon ako ng panahon para sa sarili ko. Lagi kong sinasabi na wala itong magandang naidulot sa sarili ko. Noong biyernes lamang, dumating ako sa puntong ayaw ko nang pumasok sa ospital. Hindi ako pumasok ng dalawang araw dahil inaakala ko na isasauli na ako sa UST dahil lumagpas na ako sa bilang ng dapat na iliban.
.
Huli na siguro ito para tingnan ko kung mayroon ngang magandang nangyari sa 'kin. Ngayon, patuloy kong hinahampas ang noo ko. .
Heto nga pala ang ilan sa mga litratong tiningnan ko na siyang naging dahilan kung bakit ngayo'y pulang-pula ang noo ko.
Konting tiis na lang. Maaayos din ang lahat. : )
---
Yaman din lamang na huli na akong nagmuni tungkol sa "kagandahang" naidulot sa 'kin ng internship, ihahabol ko na din ang mga gusto kong gawin ngayong taon:
1. Matapos ang make-up ko sa Ortho sa buong buwan ng Abril, at kung hindi matapos ay itutuloy ko sa Mayo;
2. Makapasa sa board exam;
3. Sumali sa mga workshops;
4. Mag-aral ulit. : )
Comments
Will post the "review" as soon as I get a copy of your upcoming book. :)