SIGARILYO, PAPAYA AT ETCHAS

1. Sabi sa isang research, maaaring maging dahilan ng hindi pagkakaroon ng anak, para sa mga lalaki, ang paghitit ng apat na sigarilyo o higit pa dito kada araw. Ang spermatozoans kasi ay mayroong nicotine-like receptors. Dahil dito, masisira ang function ng acrosome na siyang tumutulong sa pagpasok ng selula sa membrane ng egg cell.

2. Sabi din sa isang research, nakakabaog din ang pagkain ng papaya kaya hindi ako mag-aasawa ng babaeng malaki ang hinaharap.

3. Clinical Microscopy ang post ko ngayon sa Lab kaya umuuwi akong mapanghi at amoy etchas.

4. Sabi sa isang post ni Kiko:

Papaano mo sasabihin nang buong galang sa kausap mo na bad breath siya na hindi maoofend?
Ganito: "Mawalang galang na po... tae po ba ulam ninyo kanina?"

Heto pa:

PUPIL: Mam, bumubukol po ba ang utot?
TEACHER: No! Definitely not! Kasi hangin lang yun! Remember, hindibumubukol ang utot...
PUPIL: Naku patay! Tae na to!
.
5. Kapag nakakatanggap kami ng specimen para sa Fecalysis, ang required na dami ng isusumiteng etchas ay pea-size o kaya ay kasing laki ng kuko ng hinlalaki sa kamay. Siguro, kasalanan na din namin kung bakit hindi alam ng ibang mga tao na ganun lang kadami ang kailangan namin. Ang resulta: may mga nagdadala ng buong etchas nila (na parang pinaikut-ikot pa ang puwet nung tumae sila) na nakalagay pa sa lata ng Fita biscuit, garapon ng tinapay (yung sa tindahan), garapon ng mayonnaise at supot ng yelo. Parang ganito yung hitsura ng poopoo na isinusumite nila:
.
(Note: Etchas 'to ng aso. Nakuha ko sa http://zzz.330.ca/pg/index.shtml.
Kung poopoo ng tao ang trip mo punta ka dito.)
..
6. Nakakatulong para umetchas ang nicotine dahil isa itong stimulator ng parasympathetic ganglia. Ang para sympathetic ganglia ang siyang parte ng nervous system na may kinalaman sa lahat ng function habang tayo ay nagpapahinga. Kasama sa mga function na ito ang defecation, micturition, digestion, paghinga at marami pang iba.
.
7. Nakakatulong din ang papaya sa pagpagaan ng pag-etchas.
.
8. Bawal mag-donate ng dugo kapag kahihitit mo lang ng sigarilyo. Nagpapataas ito ng Hemoglobin level.
.
9. Ano pala kulay ng ebs mo?
.
Kung pula at madugo, maaaring mayroon kang lower gastrointestinal tract bleeding.
Kung maitim, upper gastrointestinal tract bleeding.
Kung berde, dahil sa gulay.
Kung green pero hindi ka naman kumain ng gulay, dahil daw yun sa clorets.
.
10. Puwede ring maging berde ang ihi dahil sa clorets.
.
11. Ito muna sa ngayon. Eetchas lang ako.

Comments

Popular posts from this blog

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Ragang Rinaranga