Posts

Showing posts from February, 2006
Image
SA KLASE NI PADRE MILON . Nagsimulang kalawanginang araro. . […] . Kinakalawang dahil sa mga sulong pinagdiringas ng punglo. . —Lamberto E. Antonio, Ang Araro . . Sinukat ng pari ang bulto ng pang-unawa ng mga estudyanteng mga sawang nakapulupot sa kanilang tadyang ang pusong matagal nang kinakalam ng kaniyang pagmamaliit. Pilosopiya kontra pisikang pagsusuri. Hindi man maging hangal sa tradisyon na gustong iwan ng mga indiyo katulad ng pag-iwan nila sa lupang inaararo kapalit ng laman sa utak— naramdaman nila ang pukpok sa batok! Pinatayo ng isang estudyante, si Placido Penitente na hindi makilala sa labis na pagtataka. Tinanong pagdaka ng pilosopiyang nakalingid sa pagbagsak sa lupa sa tuwing ibinabato ang mga bagay papaitaas. . Sinagot niya ang pari ng isang tanong kung bakit inaatake ng tigre ang amo kahit pa ito ang nagpalaki, nagpakain at nagturo. Tahimik ang mga eskuwela. Iyong iba’y naglalaway na’t tulog. Iyong iba nama’y gumuguhit ng mga gure-gure sa mesa. Wala man lang nakapa...

KONBERSIYON

Image
Simula noong bagong taon, iilang tula lamang ang nasimulan ko at iniwan ko nang isang buwan bago ituloy ulit. Binura ko 'yung ibang mga linya, nagdagdag, binasa ulit, iniwan ng ilang araw, hanggang sa makalimutan ko na may tula pala akong dapat tapusin. Kapag tinatanong ako kung bakit ako nagsusulat, nalulungkot ako dahil hindi ko masagot 'yung tanong. Isipin mong nakatitig sila sa bibig ko at inaabangan ang mga sasabihin ko, na parang yung nagtatanong na lang at ako ang natitira sa mundo. Hindi ko talaga alam ang isasagot kaya nagpipilit na lang ako ng ilang mga linya para lang may maisagot. Hindi ko 'yun gusto. Madalas, pagkatapos akong tanungin, pagkatapos ng nakakahiyang mga sagot, ay nagsisisigaw ako sa apartment at hinahampas at binabatukan ko ang sarili. MALAKI akong tonto. Hindi ko pinag-iisipan 'yung mga sinasabi ko. Ngayong 4th year lang 'yan nangyayari gawa ng internship syndrome. . Nalipat ngayon ang interes ko sa pagsulat ng kuwento bagamat alam kong hi...