SA KLASE NI PADRE MILON
.
Nagsimulang kalawanginang araro.
.
[…]
.
Kinakalawang dahil sa mga sulong pinagdiringas
ng punglo.
.
—Lamberto E. Antonio, Ang Araro
.
.
Sinukat ng pari ang bulto ng pang-unawa ng mga estudyanteng mga sawang nakapulupot sa kanilang tadyang ang pusong matagal nang kinakalam ng kaniyang pagmamaliit. Pilosopiya kontra pisikang pagsusuri. Hindi man maging hangal sa tradisyon na gustong iwan ng mga indiyo katulad ng pag-iwan nila sa lupang inaararo kapalit ng laman sa utak— naramdaman nila ang pukpok sa batok! Pinatayo ng isang estudyante, si Placido Penitente na hindi makilala sa labis na pagtataka. Tinanong pagdaka ng pilosopiyang nakalingid sa pagbagsak sa lupa sa tuwing ibinabato ang mga bagay papaitaas.
.
Sinagot niya ang pari ng isang tanong kung bakit inaatake ng tigre ang amo kahit pa ito ang nagpalaki, nagpakain at nagturo. Tahimik ang mga eskuwela. Iyong iba’y naglalaway na’t tulog. Iyong iba nama’y gumuguhit ng mga gure-gure sa mesa. Wala man lang nakapansin sa pagparada ng mga salita. Nagalit ang pari, hindi pinaupo si Placido Penitente. Pagdaka’y nagsimulang magmura. Hinawakan niya ang pamalo at ang tiyesang ibabato siguro. Sinabing hindi ganoon ang itinuro niya. Hindi ganoon ang kanyang pilosopiya. Si Placido naman ay hindi kinakabahan, kalmado at wala ni isang butil na namumugad sa noo.
.
Sinabi ng pari na kaya inaatake ng tigre ang kanyang amo ay dahil hindi niya nakukuha ang kanyang gusto. “Minsan, iniisip ng mga tigre na sila naman ang mangingibaw sa amo niya. Ganun ang mga tigre!”
.
“Kung gayon pala, nasagot ko na ang iyong tanong…” ani Placido.
.
Natahimik nang sandali. Nagising ang mga natutulog at nagpahid ng laway. Natigil sa pagsusulat ang mga walang pakialam.
.
“…At kung mamarapatin niyo ginoo, hayaan niyo akong alamin ang bilang ng mga pag-aaklas at ganoon din ang sagot sa inyong tanong.”

Comments

angelo said…
salamatch for the inform. hehehe.
Ah.. hehe

Owki lang. :)

Popular posts from this blog

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Ragang Rinaranga