KONBERSIYON

Simula noong bagong taon, iilang tula lamang ang nasimulan ko at iniwan ko nang isang buwan bago ituloy ulit. Binura ko 'yung ibang mga linya, nagdagdag, binasa ulit, iniwan ng ilang araw, hanggang sa makalimutan ko na may tula pala akong dapat tapusin. Kapag tinatanong ako kung bakit ako nagsusulat, nalulungkot ako dahil hindi ko masagot 'yung tanong. Isipin mong nakatitig sila sa bibig ko at inaabangan ang mga sasabihin ko, na parang yung nagtatanong na lang at ako ang natitira sa mundo. Hindi ko talaga alam ang isasagot kaya nagpipilit na lang ako ng ilang mga linya para lang may maisagot. Hindi ko 'yun gusto. Madalas, pagkatapos akong tanungin, pagkatapos ng nakakahiyang mga sagot, ay nagsisisigaw ako sa apartment at hinahampas at binabatukan ko ang sarili. MALAKI akong tonto. Hindi ko pinag-iisipan 'yung mga sinasabi ko. Ngayong 4th year lang 'yan nangyayari gawa ng internship syndrome.
.
Nalipat ngayon ang interes ko sa pagsulat ng kuwento bagamat alam kong hindi talaga ako marunong magkuwento. Minsan naman, nahalungkat ko 'yung mga brush at pintang bigay sa 'kin ng kuya ko at sinubukan kong magpinta ulit o magpinta-pintahan. Nasa elementary pa lang ako nang nagpakita ng interes sa pag-drowing. Kinokopya ko 'yung mga drowing sa komiks na nirerenta ko noon sa tindahan sa halagang singkuwenta sentimos. Dahil sa nakitaan ako ng interes sa pagdrowing at pagpinta, binibilhan ako ng mga kapatid ko ng mga brush, watercolor, at pinta. Nang tumuntong ako ng hayskul ay unti-unting naupos ang interes ko. Second year ako nang magtula-tulaan naman ako. Kawalang-gawa na din siguro noon katulad ng nauso noon sa Iriga, 'yung pag-compile ng mga paborito mong kanta sa isang notebook tapos sasamahan mo pa ng mga quotes at ano pang mga abubot na drowing katulad ng rosas at kung minsan naman ay mga litrato ng crush mong artista at kaklase. Marami-rami din akong nasulat noon at tuwang-tuwa ako nang maging bahagi ako ng Amudyong, ang Filipino supplement ng Campus Journal, high school paper namin sa University of Saint Anthony.
.
Nang tumuntong ako ng kolehiyo, nawala sa 'kin ang mga kinahihiligan ko. Mas natuon ako sa pag-aaral. Sinusubukan ko ding magsulat kapag may mga panahong hindi ako makatulog at walang ibang magawa kundi titigan ang kisame, kumain, matulog, gumising, kumain ulit at tumitig sa kisame hanggang sa makatulog ulit. Agad ko namang ibinabasura pagkatapos makapag-umpisa ng ilang mga linya. Isang araw, noong 3rd yr ako, ay gumising na lang ako na parang gusto kong magsulat ulit. 'Yun ang naging simula ng lahat hanggang nandito na ako, nagsusulat-sulatan. At kapag binabalikan ko 'yung mga sinulat kong 'yun ay tumatawa na lang ako bigla at pabalik-balik ako sa kuwarto at kusina na sumisigaw sa sobrang kahihiyang pinaggagagawa ko. (Hanggang ngayon pa naman, kahit sa mga bagong sinusulat ko.)
.
---
Nga pala, imbitasyon galing kay Gode Calleja, isang manunulat at siyentistang Bikolano na nakabase sa Canada at editor din ng Burak (bi-monthly bikolano literary magazine):
.
ANI
.
Para sa isang taon na ani ng mga manunulat na Bikolnon. Sabay-sabay na maglalabas ng mga bagong aklat sina Jun Balde, Raffi Banzuela, Esting Jacob, Luis Cabalquinto, Zeus Salazar, Kristian Cordero, Gode Calleja, Elmer Ordonez, Azucena Grajo, Delfin Fresnosa, Marne Kilates, atbp. May mga tutugtog at siyempre, may magbabasa ng mga rawitdawit. Kasabay din nito ang 4-kataong art exhibit. Gaganapin ito sa Legazpi Museum, Pebrero 13, Lunes, 6 pm.
.
Sa kasamaang palad, dala nga ng lintik na internship na 'yan, hindi ako makakapunta. Haaay...
---
Ayun, ipapaalala ko lang, sa ika-21 ng Pebrero na 'yung launching ng libro ni Kristian Cordero. Narito ang ilan sa mga sinabi ukol sa koleksiyon:
.
"Kamangha-mangha ang likot ng isip ng makatang si Cordero. Tunay, napagsasama niya ang dalawang mahalagang sangay ng kaalaman sa kaniyang buhay--ang pilosopiya at meditasyon sa karanasang personal man o pangkapwa. Matalim ang kaniyang pagmumuni sa magkakahidwang pangyayari sa espasyo at panahon, pag-unawa sa mga tauhan sa literatura at sa aktuwal na buhay. Mapalad tayo na makibahagi sapakikipagsapalarang pangkamalayan ng manunulat na ito." - Romulo P. Baquiran Jr.
.
"Gaya ng ngalang "Kristian Cordero," maraming ibigsabihin ang mga tula sa kalipunang ito. Isa na rito ang paglampas sa itinakdang hanggahan. Pinatunayan ng makata na bagama't isa siyang Kristiyano (at maamongkordero ng Diyos), may karapatan pa rin siyang tumalakay sa mga paksang labas o lingid sa kaalaman ng Simbahan. Bilang isang taong nabubuhay sa isang panahong puro post-, siya ay hindi maikukulong sa kasalukuyan sa pagbabalik sa mga bagay na napag-iwananng nagmamadaling salinlahi. Dito niya ipinamalas ang kaniyang pagiging salamangkero sa paglabas-pasok sa mga dimensiyon. Kabilang na rin dito ang kaniyang pinanggalingan. Subalit kahit kaya niyang manatili sa loob ng kaniyang buhay -- na binabakuran ng kanyang relihiyon at rehiyon -- nakuha pa niyang sumanib sakrusada ng patriyotismo, kung hindi man nasyonalismo. Ito, halimbawa, ay sa kaniyang paggamit hindi lamang ng wikang panlalawigan. Napatunayan niyang ang wikang pambansa ay realidad at posibilidad. At dahil sa kaniyang galing sa paggiba ng bakod sa pagitan ngpersonal at ng politikal, napatunayan niyang ito rin nga ay isang pangangailangan!" -Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr.
.
"Sa daigdig ni Kristian Cordero ay malabo ang hanggahan ng Paraiso at ng Gagamban; ng Impiyerno at ng Kamurawayan. Kaya mag-ingat sa pakikinig sa mga babala ni Juan Bautista at San Benito at baka ang nauulinig mo’y mga pahiwatig ni Handyong o ng Bakunawa. At bago lumuhod sa harap ng altar, pakasilipin at baka nananalangin ka sa barukikik na nakayapos sa krus. Ngunit kung sakaling maliyo sasalimuot ng mga talinhaga, huwag mabahala, may kaibang lunas ang santigwar na dala ng kaniyang matalisik na mga taludtod. Oragon ang aking ini! Daog sa kusog nin buot su agilang nag-iipot sa payo kan mga martires!"-Abdon M. Balde Jr
.
Sa Daragang magayon Hall Aquinas University, 1:30 n.h at lalagari siya papuntang Legazpi para sa launching din sa Ateneo de Naga University, 4:30 n.h ng parehong araw.
.
---
.
Ito, natanggap ko galing kay Genevieve Asenjo:
.
IYAS CREATIVE WRITING WORKSHOP
April 25-May 1, 2006

The Iyas Creative Writing Workshop is now accepting fellowship applicants for this year’s workshop, to be held April 25 to May 1, 2006, at Balay Kalinungan, University of St. La Salle in Bacolod City, Negros Occidental.

Fifteen fellowships will be awarded by genre and language. Grants will cover board and lodging and a partial transportation subsidy. Deadline for applications is on March 31, 2006.

Interested parties may send two (2) short stories, six (6) poems, or two (2) short plays for consideration, signed with a pseudonym, along with a sealed business envelope containing the author’s real name and pseudonym, a 2x2” ID photo, and a short resumè. Works must be submitted in five hard copies, manuscript format (12 pt Times New Roman, letter-size paper), accompanied by a soft copy (MS Word format) on a diskette. Works may be in English, Filipino, Tagalog, Hiligaynon, or Cebuano.

Send applications to: Dr. Gloria Fuentes, College of Arts and Sciences, University of St. La Salle, La Salle Avenue, Bacolod City, Negros Occidental 6100. Inquiries may be sent to glofuentes2003@yahoo.com.

This year’s panelists include Cirilo Bautista, Marjorie Evasco, Elsie Coscolluela, Rayboy Pandan, Genevieve Asenjo, and Malou Jacob.
.
The Iyas Creative Writing Workshop is sponsored by the University of St. La Salle, the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center of De La Salle University, and the National Commission for Culture and the Arts.

Comments

Anonymous said…
Visit my new blog www.karitela.blogspot.com. thanks. esting

Popular posts from this blog

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Ragang Rinaranga