Genevieve Asenjo's "pula ang kulay ng text message" Now of the Press

Genevieve Asenjo’s book “pula ang kulay ng text message” is now off the press. Her collection of poems in Kiniray-a with Filipino translation is one of the recipient of Fray Luis de Leon Creative Writing Grants given by the Fray Luis de Leon Creative Writing Institute (FLDCWI), Coordinating Center for Research and Publications of the University of San Agustin.

A two time Palanca awardee for short story (Hiligaynon Division) and winner of Homelife’s poetry contest for several times, Asenjo teaches at the De LaSalle University and serves as the Assistant Director for Bienvenido Santos Creative Writing Center. She finished her MFA in Creative Writing and pursuing a Doctor's degree on the same school.

ISANG MISIS SA PANAHONG DE-GLORYA

Pinakamaiksi
Ang ating yakapan at halikan
Sa madaling-araw.

Tilaok ng manok
Ang harurot ng mga sasakyan
At kailangan mo muling mag-baka-sakali
Sa mga ahensya at kompanya.

Kaagad mong binuksan ang tv,
Hindi na ang bintana.
Sa pagbasa ng panahon sa nagmamadaling
Balita: isang binata ang kumitil ng buhay
Nang matuklasang di-sapat ang diploma
Sa pagsilo ng maipang-gasolina
Sa katawa’t kaluluwa.

Umusal ako ng panalangin—
May ingat ng pagpatungpatong ko ng mga unan;
Gusto kong sigla at ningning sa aking mga mata
Ang iyong baunin at hindi, hindi
Ang pira-pirasong sugat sa isip at dibdib
Sa pagkapaslang ng sistemang kontraktwal
Sa pangarap nating lampas sa pagkain
Tatlong beses isang araw.

Itong pananalig, palangga,
Ang una nating ipapakibaka
Upang manatili tayong buo
Pinakamaiksi man ang ating
Yakapan at halikan
Sa mga madaling-araw.
.
Meanwhile, Kristian Cordero’s book “Santigwar” is now available at Datelines Bookshop, Araneta Center, Cubao, QC.

Bili na.

*

Speaking of Kristian, his poem is published today on SIM.
.
SALITA
.
Sa simula kasama ng Diyos ang Salita
at ang Salita ay Diyos.
.
Nang magkatawang tao ang Salita,
naisulat ang maraming talata
tungkol sa kanyang buhay at gawa.
.
Nagkuwento ng mga tala si Mateo
May diskurso sa pag-ibig si Pablo
At di naman nagpahuli si Pedro.
.
Sa kalauna’y hinahati-hati ito
sa kapitulo at bersikulo
inilimbag, isinalin, at isinaulo.
.
Hanggang ngayon
pinag-uusapan pa rin ang Salita
sa radyo, telebisyon o sa pulpito
.
sumusugat pa rin ito tulad ng punglo
tumatama na parang mga ligaw na palaso
at ipinupukol ng bawat kampo
.
na parang mga bato
sa ngalan ng pagpapatotoo.
.

Comments

angelo said…
wow, congrats to both of you! I'll check out Kristian's book at Datelines sometime , on a weekend for sure.

Popular posts from this blog

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

Madrigal-Gonzalez Best First Book Award 2006 names finalists

Ragang Rinaranga