Posts

Showing posts from July, 2006

Update

Hindi pa ako nagpapatsek-ap pero ito ang mga suspetsa kong sakit na meron ako: . 1. Pneumonia . Baka kasi bumalik. March ako tinamaan ng sakit na ito, although imperative lang yung diagnosis sa akin. Tinapos ko 'yung gamutan. Pero nung pakiramdam ko ay okay na ako, hindi ko itinuloy 'yung pag-inom ko ng gamot para maalis plema ko. Hanggang ngayon, paminsan-minsan, inuubo ako. . 2. Inuubo ako paminsan-minsan dahil baka lumalala na hika ko. At oo, hindi pa rin ito confirmed. Lahi namin ang may hika. Matagal ko na ring nararamdaman ito, 2nd year college pa pero sobrang bihira kung maranasan ko. Mild lang siguro noon pero ngayon mukhang moderate na. . 3. Lagi akong binabangungot. Lalo na kapag araw ako natutulog. Nananaginip ako madalas ng mga santo, ng mga lumilipad na aso, pusang tinubuan 'yung puwet ng tangkay ng rosas, ng mga buhok sa bituka, etc... Dahil nga sa walang tigil ang paglobo ng katawan ko, naririnig ko kung minsan ang paghilik ko. Magigising na lang ako bigla n

Gusto mo? Tara!

Heto. . Nakatanggap ako ng balitang ibibigay ang Writer's Prize ng NCCA ngayong taon para sa mga "regional" writers. Rawitdawit para sa Bikol, nobela para sa Cebuano, at maikling kuwento para sa mga nagsusulat sa English at Filipino. . Available na raw sa NCCA ang mga forms. Tara! . -- Deadline na ng ikatlong Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon sa July 31. Paspasan na adi! Hindi katulad ng mga nakaraang Premio Tomas, mas maraming kategorya ang binuksan ngayon. May rawitdawit, osipon (maikling kuwento), essay at nobela. Sa susunod, ipapaskil ko dito ang contest rules. . -- At isa pa, heto, galing sa Our Own Voice: . Meritage Press is pleased to announce A Call For Manuscript Submissions by Filipino Poets . for . "The Filamore Tabios, Sr. Memorial Poetry Prize" . DEADLINE: November 30, 2006 . POETRY MANUSCRIPTS: Poets may submit as many manuscripts as they wish. Each manuscript should be 75-150 pages long. Each manuscript should come with two cove

Dakitaramon, pauno man raw adi?

Pinoporbaran ko nguwan na mag-translate alagad diri ko isi kung pauno talaga. Sabi ngani ni Helen Rapp, " When you translate from one language into another, you are translating in however subtle a way the historical, geographic, climatic, religious, emotional experience of one group of people for the benefit of another group. " Makatakot man kayang mag-translate ika na diri mo man sana makakaptan kung pauno naisurat su orihinal na pagkakasurat, lalo na kung marhay su orihinal alagad makanos su dakitaramon. . Narumruman ko su istorya kanako ku usad na fellow sa UP workshop. Pag-abot kuno sa Bikol, sinabihan sira ni Rio Alma na basahon adtong tula buko su dakitaramon kundi su Bikol mismo. Naungot kuno su ibang mga fellows ta pauno sira makakakomento kung diri man nira nasasabutan. A naisip ko man sadi, buko man na literal, gayud, su gustong sabihon ni Rio Alma. Amo gayud an na itinak ta a sadiri ta sa kung uno a pinanggagalingan kan ang tula. Ta uno pa a masasabutan ta? Baka is

Rebyu: Santigwar

PAGLOOG SA PORTAL: MGA RONA KA BANWAAN, PUSO AG KALAG Pagloog sa portal an ang eksperhensya kan ang pagbasa ka ikarwang libro ni Kristian Cordero na Santigwar: Mga Rawitdawit sa Bikol asin Filipino (Goldprint Publishing, 2006). Pagloog sa portal, ta arog kan ang mga parasantigwar, nagloloog si Cordero sa mga temang bunga kan ang mas ararom niyang meditasyon sa mga bagay-bagay ag mga pangyayari sa sadiri sagkod sa kapalibotan niya. Meditasyon na arog kan ang parasantigwar, namomotan niya (alagad mabusising proseso) an ang pagluwas-loog sa dimensyon kan ang realistiko sa mga nanunudan sanang bagana mala-pangitorogan na rawitdawit, amo adtong nag-aabot sa metapisikal na mga pangyayari sa kaniyang mga rawitdawit. Usad na uru-arayong paglukso kan ang panulaan ni Cordero an ang ikarwang libro niya na kababaydan sa dakulong deferencia sa nauna niyang koleksyon na Mga Tulang Tulala (Golprint Publishing, 2004) na nagpapabayad sa temang nagpapalibot sa kamulatan ni Cordero sa mga nangyayari sa

Atay, aylabshyu!

Image
Sa anatomy, ang atay ay nakaposisyon sa ilalim ng diaphagm sa upper left quarter ng abdomen. Maraming function ang liver mula pag-detoxify ng katawan, imbakan ng mga anik-anik at parang factory din na gumagawa ng mga essential na proteins sa katawan. At nga pala, noong fetus pa tayo, kasama ang liver sa gumagawa ng dugo, tawag dun ay extramedullary blood formation. . Lahat na lang sinasala ng organ na 'to, mapagamot man, alkohol atbp. Basta, hardworking na organ ang liver. Kaya nga nitong magregenerate kapag nabawasan eh. At kaya nga nabubuhay pa rin ang mga nagdodonate ng liver dahil puwede pa itong tumubo ulit. Astig . . Kapag naabuso ang atay, maraming maaaring mangyari sa tao. Pinakawasak siyempre ang kanser. Ganito ang hitsura ng isang section ng normal na atay: At ganito naman ang hitsura ng hindi: Ito naman ang hitsura ng atay ni Red Dimzon: Astig.

Gawaing b(u/a)hay

...Na wari'y iyon at iyon lamang Ang kaniyang nauunawaan. Isa ito sa mga linyang pinag-iisipan kong bilugin sa utak ko simula kaninang alas kuwatro ng umaga--galing inuman sa launching ng album ng Cog sa Purple Haze--na hindi ko magawang bitiwan hanggang sa ngayon. Marahil epekto na din ng serbesa na unti-unti na yatang pinapatay ang aking atay at hindi na magawa pang solusyunan ng mga Endoplasmic Reticulum ng hepatic cells ko na alisin ang alkohol sa sistema ko; na kung matagalan ay masisiraan na rin ako ng bait. Pero kung ganito ba naman eh pipiliin kong huwag munang tumigil sa pag-inom. Ibubuno ko ang buong gabing ito para makapagsulat ng kahit isa lang, kahit isa lang. . -- May kinakaasaran akong tao ngayon. Naaasar ako sa kaniya dahil nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Nakakaasar ako. . -- Tambak na ang labahin sa apartment. Nakakatamad maglaba at magpalaba. Sana maimbento na ang RTW na disposable. Magtatapon na naman ako ng mga damit. . -- Masayang maghugas ng mga pinagkain

Kapag uminom ka matapos na magpakuha ng dugo

1. Hindi nagigising nang maaga. 2. Nagkakasakit pa lalo. Lumalala ang ubo, sipon, atbp. 3. Madalas manghina. 4. Madaling mabangag. 5. Hindi ka puwedeng mag-Red Horse. 6. Hindi ka makakapag-erbi nang ilang araw dahil sa panghihina. . -- Para hindi ko makalimutan at hindi niyo rin dapat kaligtaan: . Book Launching ng pula ang kulay ng text message: Mga Tula sa Kiniray-a at Filipino ni Genevieve Asenjo. July 22, 11.00 n.u. sa Ariston Estrada Seminar Room, De La Salle University, Manila. Kitakits. . -- At ito rin: . CALL FOR SUBMISSIONS: Tropics of Love . Quatre Gats is a newly launched independent press based in the Philippines which aims to specialize in publishing innovative thematic anthologies, both fiction and non-fiction. . Quatre Gats will release a new title every four months. For the moment, they are publishing thematic anthologies. The first title is in production, they are now accepting submissions for the second title, an anthology of fiction based on/derived from Jose Rizal&