Posts

Showing posts from September, 2006
TUNGKOL SA MATANDA . "Sinasabi ko," wari’y may itinatatag sa pagkakalatag ng kaniyang tinig. . Ibinaba ko ang aklat na binabasa at ibinaling ang buong pansin sa kaniyang sasabihin. . (Wari’y buong mundo ang lumingon sa kaniya upang makinig. . Hindi ito ang una naming pagkikita. Matagal ko na siyang nakilala sa di matapos-tapos na aklat na binabasa.) . "Sinasabi ko." . At hindi na niya ipinagpatuloy. . . TUNGKOL SA MATANDA . Naramdaman niya ang pagtawag sa kaniya ng lupa. Nagpasiya siyang sa isang burol na lamang manatili—kipkip ang mga nalalabi sa sarili: takot, kalungkutan, kawalang-katiyakan. . Sa paglapit niya sa tuktok, mas lumalakas ang tinig, mas bumibigat ang kaniyang paghakbang; kaya isa-isa niyang binitiwan ang mga bitbit na alinlangan. . Naghintay siya nang saglit sa inaatubili. Sa halip, tanging hangin lamang ang naroroon, kipkip ang mga alikabok na nalikom. Ganap ang katahimikan: nakaramdam siya ng saglit na kamatayan. .

RELAY FOR LIFE: Benefit Concert For Cancer Patients This Friday

Hi, guys! You are invited to RELAY FOR LIFE, a benefit concert for cancer patients this coming Friday evening (September 29) at the grounds beside UP Lagoon (near UP Faculty Center). Performers are Stonefree , Cynthia Alexander , 6cyclemind , Giniling Festival , Kiko Machine , Romancing Venus and more. Program will start as early as 5 pm with a motorcade, but the concert will be in the evening. The program will last until 6 am the next day. Tickets are P100 each. 100% of the proceeds will go to cancer patients through Philippine Cancer Society. The event is presented by UP Delta Pi Omicron and Philippine Cancer Society. For those who are interested to come, I am selling tickets. Kindly reserve with me (my number is 09173643374) or if you are near Ortigas or in the Ortigas area, I can meet you beforehand. If you can only get your tickets by Friday, I can meet you outside the venue. I will be at the event by early afternoon since our org (Cancer Warriors - http://www.c-warriors.org/ ) ...

Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol

-Alkohol, Eraserheads May nakita ka bang babae kanina na maputlang-maputla, nanghihina? Kung hindi man ay nakahandusay na lang basta sa loob ng palikuran o kaya sa daan. Medyo maliit siya. Medyo kayumanggi. Medyo hindi siya makakalayo sa UP Diliman kung sakali. Oo, baka nandun lang siya o kaya malapit dun. O kaya nakasakay na siya sa dyip at bigla na lang nanghina bago maiabot sa tsuper ang bayad niya. Nakauwi kaya siya sa bahay niya? Makakapasok kaya siya sa trabaho niya? Kanina kasi, bago siya umalis, 80 over none ang BP niya. Baka may nakipagkuwentuhan sa 'yong babae na hindi mo kakilala. Dahil napansin mong maputla siya, naisip mong kailangan niya ng kausap, kailangan niya ng mababalingan para maalis ang pamumutla. Madaldal din kasi siya eh. Andami naming napagkuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa kalusugan niya tulad ng over-sized wisdom tooth niya na sa simula pa lang ng pagtubo ay kailangang hiwain ang kaniyang gilagid, paling ang tubo. Tapos, kailangang bunutin. Baka napan...

Hinihintay kitang dumating.

Ayon na rin kay Dr. Concepcion, pathologist ng Philippine Blood Center: The Philippines, just like any country, is in continuous need of blood donations, dengue season or not, and, yearly should comprise at least 1% of the population. That's roughly 800,000 blood bags per year nationwide! (Whew!) Last 2005, DOH reported that, with the combined efforts of the Philippine Blood Center, Philippine National Red Cross AND the commercial blood banks ( nung di pa sila na-phase out ), we were only able to get 425,000 blood bags . Ergo, it's a challenge all Filipinos must take. . Kaya, please, donate ka naman ng dugo. Konting sakripisyo lang. Konting pahinga bago mag-donate at huwag ka munang iinom ng kahit anong klaseng alcohol at *gamot*. Sige na. Kung napilit kita, punta ka sa: . Philippine Blood Center Philippine Children's Medical Center, Agham Road Cor. Quezon Avenue, Quezon City . Sabihin mo lang sa manong guard na magdo-donate ka ng dugo. Pagkarating mo sa Blood Center sabihi...

Ang Lungsod Namin

Joselito D. delos Reyes . Progress is a comfortable disease… ______________________ - e.e. cummings ______ Sumisinghap kami ng dahilang susulingan Kung bakit kinokolonya ng putik at tubig ang aming lungsod. Kaya sinimulan naming sisihin ang init ng panahon; Natutunaw na ang yelo sa magkabilang polo ng mundo. Sinamantala ng mga mapagkalinga ang dahilang ito Kaya binaha kami ng ahente— Ahente ng lupang bukod sa masagana at matayog, Malayo pa sa gulugod ng lindol; Ahente ng segurong nananakam ng ganansiya Kung matitibo’t magpapantay ang paa. ______ Totoong peligroso ang huminga-hinga Sa ganitong lugar, wika ng ilang ayaw nang datnan Ang tuluyang pangangamkam ng dagat sa aming siyudad. Pami-pamilya silang lumikas, o tumakas Palabas ng banlik at lansa. Katwiran ni Kabayang Bestre, Hindi na baleng ilado ang biya at tilapya Basta hindi mamad sa alipunga ang paa. At ayaw na rin daw niyang makitang Tuluyang maging Lemuria ang kaniyang lote. ______ Nadaig ng lungsod namin ang baratilyo sa paleng...

Pagkatapos ng Baha

Pagkatapos na umulan nang malakas noong sabado at nalubog sa tubig-baha ang Kamaynilaan. Pagkatapos na lumusong sa baha at masuka at ipunin sa bibig ang dapat-sanang-isusuka at lulunin ulit. Pagkatapos na palalain ang sitwasyon ng mga pangamba na baka ay bigla na lamang mahulog sa manhole, ng mga kuwentong may nakalaylay na kawad ng kuryente sa baha. Pagkatapos na maistranded sa loob ng ospital ng UST (na binabaha rin pala sa loob) at maghintay ng isang oras sa pagdating ng bus na maghahatid sa amin sa Main Building (na isang daang metro lang ang layo sa kinaroroonan namin). Pagkatapos na kumain ng pansit at makasama sa kuwarto ang mga buddhang may dalang gong na kinabukasan noon ay nag-uwi ng ginto. Pagkatapos maramdaman ang pangangati sa katawan lalo na sa binti at paa na pakiramdam nami'y hindi lamang kulugo o kurikong ang tutubo kundi isang pumpon ng gamit na diaper o kaya'y pedicab driver o kaya'y mga batang kalyeng hindi ko alam kung nasaan sila noong mga panahon...

Thoughts of death drives young writer to pen winning pieces

By Juan Escandor Jr. . IRIGA CITY — This young Bicolano writer is preoccupied with death but he said that this unusual thought that lingers in his mind drives him to write literary pieces, which eventually earned awards and recognitions. Kristian Sendon Cordero , 23, poet and fictionist, confessed he feels he’ll die at the age of 40, and assuming he has some 17 years more to live, he wanted to be more productive by creating works that would contribute to Bicol literature. . Awards . Cordero’s short story entitled “Langaw” won second prize in the category of short fiction in Filipino in this year’s Palanca Award. It is a dark tale of a poor, abused girl whose sufferings ended tragically by the railroad where she died after being raped by several men. . He said he wanted to make a statement on violence against women to make people aware of the creeping problem that victimized many helpless girls and women. . “I cannot forget my aunt who died a violent death in the hands of her husband,” ...

Finalist of 2006 Premio Tomas Arejola named

By Cora A. Arejola . Thirteen literary pieces and seven collections of poetry have been shortlisted for the 3rd Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon. This was announced by Carlo Arejola, managing director of the Arejola Foundation for Social Responsibility, the pioneering spirit behind Bicol’s premier literary prize. . Novel Carlos A. Ojeda, “Introibo Ad Altare Dei” (Naga City) Otello L. Santiano, “Badas ni Satanas” (Naga City) Poetry Fr. Philip Francis R. Bersabe, “Mga Rawit-dawit ni Padre Cabalquinto” (Naga City) Jaime Jesus U. Borlagdan , “Karangahan” (Tabaco City, Albay) Victor Dennis T. Nierva , “Folio” (San Fernando, Camarines Sur) Honesto M. Pesimo, Jr. , “Dios Marhay na Aldaw” (Naga City) Edgar A. Ramores, “An Pirang Aram Ko Manonongod sa Saimong Ngirit” (Naga City) Jericho H. Rabadeo, “Sa Gapo kan Nakaagi” (Calabanga, Camarines Sur) Otello L. Santiano, “Aripompon nin Kapapadayawan" Short Story Estelito B. Jacob , “Ibalong 2080” (Camaligan, Camarines Sur) Au...

Winner!

Congrats kay Kristian Cordero sa pagkakapanalo niya sa Palanca. (2nd Place, Maikling kuwento) Congrats din kay Carlo Arejola na nanalo rin sa kategoryang Screenplay. Congrats din kay Sir Eros Atalia na siyang nag-1st place sa Maikling kuwento. Congrats din sa mga finalist ng Premio Tomas.