SARIKAW AT IRAGO
Ang Sarikaw ay isang monolith na korteng tao na may kasamang aso. Tinatayang sampung talampakan ang laki nito. Hindi ko ito nagawang puntahan nang umuwi ako sa Iriga. Dalawang araw lang kasi akong namalagi roon at nawalan na ng panahon para puntahan ito dahil hindi naging sapat ang oras ko para kumustahin ang mga kamag-anak at ilang mga kaibigan. Isa ring dahilan ang pagbawal sa 'kin ng nanay ko na pumunta doon gawa ng mga naglipanang tulisan sa lugar na 'yun. . Sinasabing isang mangangaso ang Sarikaw na sinumpang maging bato ng isang wizard dahil sa hinamon niya ang kakahayan nito. Wala na akong ibang alam tungkol dito bukod sa ginawa pa naman itong tourist attraction sa Iriga. . Matagal na akong binibihag ng ideya ng Sarikaw, kung ano nga ba ang hitsura nito (dahil nakita ko lang ito sa litrato) at kung ano nga ba ang tunay na kuwento tungkol dito. Ang nangyari tuloy, gumagawa ako ng mito na sariling espekulasyon ko lamang-- walang basehan. Nagamit ko na din ito bilang isang ...